BeautyMania.biz®'s ENTERTAINMENT PARADISE
Welcome to ENTERTAINMENT PARADISE! There are already existing topics inside, to view and participate the online forum, you must register first and create an account.

Enjoy your stay!! Please spread the news!!

BBP BARAT BA? RICH ASUNCION, HINDI PA RIN NAKUKUHA ANG PREMY

View previous topic View next topic Go down

BBP BARAT BA? RICH ASUNCION, HINDI PA RIN NAKUKUHA ANG PREMYO SA BBP?

Post by Ray on Sun Feb 21, 2010 5:44 pm

GANOON BA KA-BARAT ANG BBP? BAKIT HINDI PA NAKUKUHA NI RICH ASUNCION ANG PREMYO NIYA E, ISANG TAON NA ANG LUMIPAS!

Rich Asuncion has yet to get her cash prize as last year's Bb. Pilipinas 1st runner-up

Rommel Gonzales

Wednesday, February 17, 2010
02:05 PM

Last year ay naging first runner-up sa Binibining Pilipinas ang StarStruck alumna na si Rich Asuncion. Pero nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sasali siya ulit para makakuha ng title ay lumabas ang mga hinaing niya.

"Hindi, hindi na ako sasali...stress! Hindi ko pa nakukuha ang premyo nila, hindi pa. As in wala pa," pagsisiwalat ni Rich nang makausap namin siya sa presscon ng Panday Kids kagabi, February 16, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Ayon kay Rich, P175,000 daw ang kabuuang premyo niya mula sa Bb. Pilipinas. Bilang first runner-up ay P75,000 ang cash prize na matatanggap niya at bilang Ms. Natasha, isang special award, ay makakakuha rin daw siya dapat ng P100,000. Pero wala pa raw nakukuha maski singko.

"Kaya nga, e, di ba? Pina-follow-up ko lagi. Tumatawag ako lagi, e. Sabi nga nila... Kasi may Boardwalk ako [endorsement], tapos Natasha yung napanalunan ko, yung 100 thousand cash kaya sinasabi nila... Sabi ko, 'Ayoko, hindi ako papayag.' Pinaglalaban ko. Dapat bukod yun.

"Tapos yung 75,000 naman, sinasabi nila na hindi daw ibibigay sa akin kasi hindi daw ako sumasali sa mga events nila. Well, in fact, hindi naman nila ako tinatawagan. At saka okay na rin kasi gusto ko ring magtrabaho, di ba, para makaipon naman ako. Kung nandun ako sa kanila, walang ano sa akin. Magpapaganda lang ako nang magpapaganda, pero wala naman akong pera," sunud-sunod na litanya ni Rich.

Sa March 7 ay may bago na namang batch ng candidates na makikipag-compete para sa tatlong titles ng Bb. Pilipinas—Bb. Pilipinas-Universe, Bb. Pilipinas-World, at Bb. Pilipinas-International.

"Meron na silang mga bagong bibigyan ng prize, malapit na, di ba?," sabi ni Rich. "Pati si Bianca [Pamela Bianca Manalo, Bb. Pilipinas-Universe 2009] kakabigay lang... Pati yung Universe, yung Natasha niya, kakabigay lang last week. So, di ba? Sakit sa ulo! Lagi akong nagpa-follow-up, laging sinasabi, 'Sige next week...ganun-ganun, sige.' Hanggang umabot na ngayon."

May mensahe ba si Rich sa mga taga-Binibining Pilipinas Charities?

"Ang sasabihin ko lang sa kanila, I have to get my prize because I deserve it. Di ba?"

Umabot ba siya sa punto na inisip niyang magdemanda?

"Well, pumasok na rin 'yan sa isip ko, pero masyado nang mabigat. Parang hassle na naman, di ba? Pero one year na, e. Pero hopeful pa rin ako na sana ibigay na nila," sabi niya.

Kaugnay ng hinaing ni Rich, isang talent scout ng mga sumasali sa Bb. Pilipinas ang nakausap ng PEP. Ayon sa kanya, hindi raw talaga ibinibigay nang buo ang cash prize na napapanalunan ng winners at maging ng runners-up. Kailangan din daw talagang um-attend sila ng activities ng Bb. Pilipinas.

ALJUR ABRENICA. Dumako naman ang usapan namin sa hindi pa rin mamatay-matay na isyu sa kanila ng ka-batch niya sa StarStruck na si Aljur Abrenica. Diretsahang tinanong ng PEP si Rich kung totoong break na sila ni Aljur.

"Ako, ayoko na lang magsabit-sabit ng ibang tao. Basta ako po ngayon, single ako at okay na po akong makipag-date. Dati? Hindi, hindi ako nakikipag-date dati," sagot niya.

Kailan siya naging single at puwede nang makipag-date ulit?

"Pagpasok ng Bagong Taon."

Nagkaroon ba sila ng relasyon ni Aljur?

"Hindi!" bulalas niya.

So, walang dahilan para magkaselosan sila? May intriga kasing may selosan sa pagitan nila ng ka-love team ni Aljur na si Kris Bernal.

"Wala."
avatar
Ray
EP Reporter
EP Reporter

Posts : 2067
Join date : 2009-07-31
Age : 36
Location Location : Philippines

Back to top Go down

Re: BBP BARAT BA? RICH ASUNCION, HINDI PA RIN NAKUKUHA ANG PREMY

Post by Guest on Sun Feb 21, 2010 6:26 pm

Baka nagbabakasakali ang organization na ibalato na lang sa charity pag mapagod sa kaka-follow up...sino kayang mapalad na maging 1RU o Ms. Natasha this year? afro

Guest
Guest


Back to top Go down

Re: BBP BARAT BA? RICH ASUNCION, HINDI PA RIN NAKUKUHA ANG PREMY

Post by Guest on Sun Feb 21, 2010 11:34 pm

Eli Nacuspag din daw..
Tsk tsk..

Guest
Guest


Back to top Go down

Re: BBP BARAT BA? RICH ASUNCION, HINDI PA RIN NAKUKUHA ANG PREMY

Post by Dylan on Mon Feb 22, 2010 2:14 am

ganun ba..kelangan na talaga sigurong humanap ng ibang pageant director.
avatar
Dylan
Royal Member
Royal Member

Posts : 1410
Join date : 2009-11-26
Location Location : MIDDLE EAST

Back to top Go down

Re: BBP BARAT BA? RICH ASUNCION, HINDI PA RIN NAKUKUHA ANG PREMY

Post by Guest on Mon Feb 22, 2010 6:50 am

iskandalo yan ha!

Guest
Guest


Back to top Go down

Re: BBP BARAT BA? RICH ASUNCION, HINDI PA RIN NAKUKUHA ANG PREMY

Post by Guest on Mon Feb 22, 2010 7:02 am

Dylan wrote:ganun ba..kelangan na talaga sigurong humanap ng ibang pageant director.

at dahil jan may NAGTEXT!!!

thumbs up

Guest
Guest


Back to top Go down

Re: BBP BARAT BA? RICH ASUNCION, HINDI PA RIN NAKUKUHA ANG PREMY

Post by Guest on Mon Feb 22, 2010 8:49 am

Si Maam Charo nagtext!!!
Hahahaha..

Guest
Guest


Back to top Go down

Re: BBP BARAT BA? RICH ASUNCION, HINDI PA RIN NAKUKUHA ANG PREMY

Post by bonner on Mon Feb 22, 2010 10:44 am

ayayayayay
avatar
bonner
Royal Member- AMBASSADOR OF PHILIPPINES
Royal Member- AMBASSADOR OF PHILIPPINES

Posts : 3545
Join date : 2009-12-08
Age : 27
Location Location : philippines

Back to top Go down

Re: BBP BARAT BA? RICH ASUNCION, HINDI PA RIN NAKUKUHA ANG PREMY

Post by Guest on Mon Feb 22, 2010 2:22 pm

Yong kay Regina Hahn kaya nabigay? pirat

Guest
Guest


Back to top Go down

Re: BBP BARAT BA? RICH ASUNCION, HINDI PA RIN NAKUKUHA ANG PREMY

Post by Eblazer on Mon Feb 22, 2010 2:39 pm

If this is true, nakakahiya naman ito! Eh, yong Miss Philippines Earth nga nabibigay agad ang premyo. Tanungin nyo pa sina Venus Raj at Karla Henry. [You must be registered and logged in to see this image.]
avatar
Eblazer
Royal Member
Royal Member

Posts : 989
Join date : 2010-01-11
Location Location : Cebu City

Back to top Go down

Re: BBP BARAT BA? RICH ASUNCION, HINDI PA RIN NAKUKUHA ANG PREMY

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum